
Nagpadala ang Philippine Red Cross (PRC) ng urgent emergency medical response para sa medical evacuation ng tatlong taong gulang na batang Israeli sa El Nido, Palawan.
Mula sa Northern Palawan Provincial Hospital, dinala ang bata sa Puerto Princesa upang agad na malapatan ng lunas matapos makagat ng jellyfish.
Kinumpirma ng PRC na agad na nag-improve ang kalagayan ng bata matapos mailagay sa alanganing sitwasyon.
Hinimok naman ni PRC Chairman and CEO Richard Gordon ang mga resort owners sa Palawan na mag-invest sa trained first aiders, lifeguards, at ambulansya para sa emergency na pangangailangan.
Facebook Comments









