Dahil sa pananalasa ng bagyong tisoy ang nagdeploy ang Philippine Red Cross o PRC ng humanitarian caravan sa Bicol Region.
Ayon kay PRC Chairman Senator Richard Gordon, kinabibilangan ito ng rescue truck, humvee, 6×6 truck na may kasamang rescue boat, ambulance vehicles, food truck, water tanker, 10-wheeler truck.
Ayon kay Gordon, bukod pa ito sa mga service vehicles ng PRC, welfare teams at mga volunteers.
Sabi ni Senator Gordon, bukod sa humanitarian caravan ay mayroon ng mga sasakyan at kinakailangang kagamitan na ipinosisyon ang iba’t ibang chapters ng PRC sa mga lalawigan na daranaan ng bagyo.
Samantala, nagpasalamat naman si Senator Gordon sa donasyon na mga bagong rescue vehicles at kagamitan na nagkakahalaga ng P12.2-million.
Diin ni Gordon, malaking tulong ang ganitong mga donasyon sa PRC lalo pa’t bukod sa bagyong Tisoy ay patuloy na umaasiste ang PRC sa mga lugar na tinamaan ng lindol sa Mindanao.