Nakapagbakuna na ang Philippine Red Cross (PRC) ng aabot sa 201, 267 indibdwal kontra COVID-19.
Sa naturang bilang ay 61, 915 na indibidwal ang fully vaccinated sa pamamagitan ng kanilang Bakuna Centers at Bakuna Bus na ipinakalat sa buong bansa.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, mas pinabilis at pinalawak nila ang kanilang pagbabakuna upang mabigyang proteksyon ang mga Pilipino laban sa mas nakakahawang Delta variant at ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Noong Biyernes lamang ay nakapagturok ang mga kawani ng Red Cross ng 5, 208 doses sa kanilang 11 Bakuna Centers at 8 Bakuna buses.
Ipinakalat ang 8 Bakuna buses sa mga sumusunod na lugar:
• Lal-lo High School, Cagayan
• Gulang-Gulang, Lucena City
• Santa Maria, Laguna
• Cabuyao, Laguna
• La Terraza, Bucandala 2, Imus, Cavite
• Purok Araw and Abada, Bacolod City
• Pueblo de Panay, Brgy. Lawaan, Roxas City, Capiz
• Linao, Talisay Cebu.
Sa mga nais magparehistro sa pagbabakuna ng tanggapan ay mangyaring tumawag sa numerong 1158 o kaya mag-email sa appoinments@redcross.org.ph.