Philippine Red Cross, nakapagkaloob ng higit 160 bahay sa Bicol Region na naapektuhan noon ng Bagyong Rolly

Makalipas ang siyam na buwan matapos ang pananalasa ng Bagyong Rolly ay bibigyan ng full shelter assistance ng Philippine Red Cross (PRC) ang nasa 167 pamilyang apektado nito.

Sa pakikipagtulungan ng PRC sa International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC), Korean Embassy at Singapore Red Cross ay isinagawa na ang virtual groundbreaking ceremony para sa housing project sa Guinobatan, Albay.

Ayon kay PRC Chairman Senator Richard Gordon, palaging nakahanda ang Red Cross na tumulong sa mga Pilipino sa pagbibigay ng mga pangangailangan.


Hindi lamang aniya pabahay ang kanilang ibinigay kundi ang pangunahing pangangailangan kagaya ng food items, hot meals at malinis na tubig sa pamamagitan ng water tankers.

Sa ilalim ng pamumuno ni Gordon, umabot sa higit 1,416 na bahay ang naipatayo para sa mga pamilyang nasa most vulnerable sector.

Facebook Comments