Inihanda na ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang mga kagamitan bilang paghahanda na rin sa mga posibleng sakuna.
Ito’y kaugnay na rin sa paggunita ng National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo.
Napag-alaman na may temang “Sambayanang Pilipino, Nagkakaisa tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan” ang NDRM ngayong taon na nakasentro naman sa 4 areas: ang disaster prevention and mitigation, disaster preparedness, disaster response, at disaster rehabilitation and recovery.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon na hinihikayat niya ang ating mga kababayan na laging maging handa sa panahon ng kalamidad upang maiwasan na mayroong madisgrasya.
Kasama sa kanilang asset naman na inihanda ay mga kadalasan nilang nagagamit sa rescue and relief operations.
Kasama rito ang 35 food trucks, 178 ambulance units, 5 rescue trucks, 40 rescue boats, 2 amphibians, 8 payloaders, 5 six-by-six trucks, 8 humvees, 15 fire trucks, 28 water tankers, 4 fire tanker trucks, 2 military jeeps, and 17 water, sanitation at hygiene (wash) hubs na may 30 water treatment units.
Bukod naman sa modernong operasyon, nariyan din ang kanilang volunteers na handang magbigay ng tulong sa oras ng matinding pangangailangan.