Philippine Red Cross, nananatiling abala sa pagtulong sa mga nabiktima ng Bagyong Rolly

Base sa mga impormasyong ibinahagi ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman Senator Richard Gordon ay puspusan ang ginawang paglilikas ng mga voluntees ng PRC Batangas team sa 110 indibidwal sa Barangay San Isidro sa Batangas na na-stranded sa mataas na baha na dulot ng Bagyong Rolly.

Tumulong din ang PRC volunteers sa pre-emptive evacuation sa Barangay Malitam at dinala ang mga inilikas sa Batangas City Evacuation Center.

Nagluto naman ng hot meals ang mga miyembro ng PRC Marikina Chapter para sa mga inilikas na pamilya na namamalagi sa Nangka Elementary School.


Namahagi rin ng hot meals ang PRC team sa 150 indibidual na biktima ng bagyo sa Catanduanes at nagpreposition ng dugo para sa Catanduanes Doctors Hospital para sa mangangailangan nito.

Para sa mga nasiraan ng bahay o nawalan ng bubong sa Pandan, Catanduanes ay namigay naman ang PRC ng GI sheets.

Inaayos na rin ng PRC ang water tankers at water bladders na ipapadala sa Catanduanes, bukod sa ipapamigay na hygiene kits sa mga nabiktima ng kalamidad.

Sa Albay, Bicol naman ay nagkaloob ang PRC ng hotmeals para sa 560 indibidwal.

Facebook Comments