Nanawagan si Philippine Red Cross (PRC) at Chairman CEO Senator Richard Gordon para sa mas maraming health workers na magmo-monitor sa mga mild, moderate at recovering COVID-19 patients na mai-a-admit sa kanilang itatayong Emergency COVID-19 Field Hospitals (EFH).
Lalagyan din ang mga ito ng patient monitoring equipment gaya ng as pulse oximeters, mobile X-ray machines, ECG machines at cardiac monitors.
Ayon kay Gordon, kasabay ng pagdadagdag ng mga pasilidad na ito ay ang kailangan din ng karagdagang doktor at nurses.
Aniya, nais nilang magkaroon ng mga medic volunteers kung saan ite-train ang mga ito sa loob ng isa hanggang dalawang linggo kahit ano man ang kanilang background.
Kaugnay nito, para maiwasan ang exposure ng mga healthcare workers, nagtayo rin ang PRC ng personal protective equipment (PPE donning at doffing area, portable hand washing stations at staff quarters na mayroong pantry.
Tiniyak din ni Gordon na uunahin niya ang kapakanan ng mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad sa pagbabakuna.