PHILIPPINE RED CROSS PANGASINAN, HINIKAYAT ANG MGA PANGASINENSE NA MAGING BLOOD DONORS NGAYONG BUWAN NG MGA PUSO

Hinihikayat ngayon ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter ang mga Pangasinense na makiisa sa mga isinasagawang Blood Donation Drive sa Pangasinan ngayong buwan ng mga puso.
Ito ang inanunsyo ng PRC Pangasinan Chapter sa FB page nito kung saan isa itong pakulo na inorganisa ng kagawaran na “Donate Blood and Win a Date” para sa mga matagumpay na blood donors ngayong buwan ng mga puso.
Sinabi ni PRC Pangasinan Medical Technologist na si Alvin Anthony Alano na kasama sa mga freebies sa isasagawang pakulo ang date sa isang restaurant, spa, o mga libreng movie tickets.

Ang mga magsisipagwaging blood donors ay bubunutin sa Feb. 24 sa pamamagitan ng livestreaming sa Facebook page ng PRC Pangasinan.
Sinabi pa ni Alano na ang pinakamalaking regalo ngayong Valentine’s Day ay ang mag-donate ng dugo para sa mga nangangailangan.
Idinagdag niya na nakakatanggap sila ng hindi bababa sa 40 na requests ng dugo sa mga pasyente araw-araw.
Nalulungkot umano ang ahensya kung hindi nito naibibigay ang request ng mga pasyente. |ifmnews
Facebook Comments