Philippine Red Cross, puspusan ang pagkilos sa mga lugar na tinamaan ng lindol

Patuloy ang pinag-ibayong pagkilos ng Philippine Red Cross o PRC kasunod ng pagtama muli lindol ng lindol sa bahagi ng Mindanao.

 

Ayon kay Senator Richard Gordon, Chairman at CEO ng PRC, puspusan ngayon ang pagbibigay ng tulong ng PRC chapters sa mga biktima ng kalamidad.

 

Kabilang sa binanggit ni Gordon ang PRC chapters sa South Cotabato, Cotabato City, Maguindanao, Sultan Kudarat, North Cotabato, Davao Del Sur, General Santos, at Davao City.


 

Sabi ni Gordon, nagpadala na sila ng mga ambulance, rescue teams at emergency personnel para tumulong sa evacuation at pagbibigay ng atensyong medikal sa mga apektadong lugar.

 

Dagdag pa ni Gordon, may nakahanda rin ang PRC na Medical tents na may generators at tubig na pwedeng inumin para sa mga lugar na naputulan ng kuryente at may problema sa suplay ng malinis na tubig.

Facebook Comments