Philippine Red Cross Rizal Chapter, naghatid serbisyo sa pamamagitan ng Bakuna Centers at hot meals on wheels sa ilang lugar sa NCR

Buong pwersa ang pagresponde ng Philippine Red Cross (PRC) Rizal Chapter laban sa COVID-19 nitong huling linggo ng Setyembre.

Kabilang dito ang pagtatayo ng bakuna center sa San Lorenzo Mall Makati, Arcovia Pasig sa pamamagitan ng partnership ng Local Government Unit (LGU) at Megaworld Corporation.

Nasa 21,076 at 29,389 na indibidwal ang nabakunahan sa tulong ng Bakuna Centers.


Bukod dito, nagtungo rin ang bakuna buses sa Antipolo, Tanay, Cardona at Taytay kung saan nakapagbakuna ng higit 3,400 na indibidwal.

Nagbahagi rin ng ready-to-eat meals ang hot meals on wheels sa 3,000 residente ng Muntinlupa, Taguig at Paranaque.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, tuloy-tuloy lang ang pagtulong ng Rizal Chapter sa mga vulnerable groups upang makapagbigay ng pag-asa sa mga mamamayan nito sa paglaban sa COVID-19.

Facebook Comments