Sinimulan na ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagbabakuna ng Moderna COVID-19 vaccine sa mga kawani ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ito ay matapos mabakunahan ang mga empleyado ng BSP sa two-day vaccination na hatid serbisyo ng PRC na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) kahapon.
Ayon kay PRC Health Services Manager Mark Abrigo, aabot sa 325 na indibidwal o kawani ng BSP ang nabakunahan ng Moderna na mula sa Department of Health (DOH).
Samantala, nagpahayag din si PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon na patuloy silang magiging kaalyado ng gobyerno sa pagseserbisyo sa mga Pilipino.
Aniya, hindi sila titigil sa pagbabakuna upang mabilis na makamit ng gobyerno ang herd immunity ng bansa.
Tinataya namang 1,000 na Moderna vaccines ang inilaan ng PRC sa mga kawani ng BSP habang babalik sila sa Oktubre 21 hanggang 22 para ipamahagi ang second dose.