
Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) na may sapat silang supply ng dugo sa kanilang blood bank upang tugunan ang pangangailangan ng mga pasyente sa bansa.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, handa rin silang magpadala ng dugo sa Makati Medical Center matapos ianunsyo ng ospital na mababa na ang kanilang blood supply.
Umapela rin ang Red Cross sa publiko na patuloy na mag-donate ng dugo upang madugtungan ang buhay ng mga nangangailangan.
Facebook Comments










