Philippine Red Cross, tumanggap ng donasyon para sa rescue at relief operation

Nakatanggap ng tatlong rescue boat at apat na life vest ang Philippine Red Cross (PRC) mula sa Capex Cargo sa pangunguna ni President at CEO Engr. Vergil Bargola.

Gagamitin ang mga nasabing rescue boat at life vest sa mga aktibidad ng PRC para sa rescue at relief operations sa gitna ng mga kalamidad.

Ang mga rescue boat ay nagkakahalaga ng 300,000 pesos kada isa, na itinurn-over sa PRC National Headquarters nitong March 11.


Kasama ni Capex Cargo President sa pag-donate ang VeMomBro E Commerce, VJB Construction Corporation, at ang President ng Rotary Club ng Kamuning Quezon City.

Pinasalamatan naman ni PRC President and CEO Senator Richard Gordon ang Capex Cargo dahil sa tulong ng mga ito.

Facebook Comments