Philippine Red Cross, tutulong na rin sa pagbibigay ng online psychological first aid OFW na apektado ng Israel-Hamas conflict

Nakipagpulong na ang Philippine Red Cross sa Department of Migrant Workers (DMW) at sa Philippine Embassy sa Tel Aviv, Israel para talakayin ang pagtulong ng Professional Regulation Commission (PRC) sa pagbibigay ng online psychological first aid sa Overseas Filipino Workers (OFW) na naapektuhan ng Israel-Hamas conflict.

Kasunod na rin ito ng kahilingan ng Embahada ng Pilipinas sa Red Cross na pagbibigay ng online psychological support sa mga Pinoy na naapektuhan ng giyera.

Kabilang din sa proseso ng online psychological first aid ang pag-contact sa mga pamilya ng OFW sa Pilipinas para makausap nila ang kanilang kaanak doon na naapektuhan ng giyera ng Israel at Hamas.


Facebook Comments