Philippine Red Cross, welcome ang bagong direktiba ng DOH para sa PhilHealth na isama ang saliva RT-PCR tests

Pabor si Philippine Red Cross (PRC) Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Sen. Richard Gordon sa bagong direktiba ni Health Secretary Francisco Duque III para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na isama rin ang saliva-based RT-PCR testing sa kanilang benefit packages.

Paliwanag ng senador, halos kalahati ang presyo ng saliva RT-PCR test kumpara sa swab test dahil umaabot lamang aniya ng ₱2,000 bawat saliva RT-PCR test.

Dagdag pa ni Gordon, tanging ang Philippine Red Cross pa lamang ang pinapayagang mag-conduct ng saliva RT-PCR test at dapat aniyang iwasan ang pagsasagawa ng mga rapid tests.


Giit ng senador, napakadelikado kapag nag-false negative ang isang pasyente pero positive pala siya at nakakapanghawa na, kaya dapat aniyang palaging tamang test na RT-PCR ang dapat na kunin para mas sigurado sa resulta, at hindi lamang nagsasayang ng oras.

Facebook Comments