Handa na ang Philippine Science High School (PSHS) na magsagawa ng face-to-face classes sa oras na aprubahan na ng gobyerno.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST-PSHS) Executive Director Lilia Habacon, handa na ang mga silid-aralan at physical facilities ng paaralan para sa pagbabalik ng face-to-face classes.
Kasama sa mga ito ang hand-washing, toilets, comfort rooms, entrance ng paaralan at iba pang naging suhestiyon ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbabalik klase.
Pero sa kabila nito, nilinaw ni Habacon na nakadepende pa ito kung ano ang magiging quarantine classification sa pagbubukas ng klase sa susunod na taon.
Facebook Comments