Manila, Philippines – Pinagsanib ng dalawang Asosasyon ng mga Mechanical Engineer sa bansa para mapalakas at mapatatag ang industriya na pangangasiwaan ng Labor Department.
Ayon kay Labor Undersecretary Jacinto Paras, na siyang namumuno sa Human Capital Development, Overseas Employment Administration and Policy Support Cluster, at Professional Regulation Commission (PRC) Chairman Teofilo Pilando, sumang-ayon ang mga kasapi ng dalawang grupo ng Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME) na isantabi ang kanilang hindi pagkakaunawaan at magtrabaho sa ilalim ng iisang PSME.
Bunga ng nasabing kasunduan, nagtalaga ang parehong partido ng PSME Interim Board of Directors kung saan itinalaga noong enero 6 2019 at binubuo ng mga opisyal ng Labor Department.
Paliwanag ng PSME hindi magiging madali ang proseso at gawain upang palakasin at panatilihin ang pagkakaisa.
Kinakailangan na lahat ay patuloy na magsumikap upang makamit ang katahimikan at kapayapaan ng samahan, pababa sa Chapter level.
Ang PSME, na itinatag noong 1952 upang magbigay serbisyo sa mga Pilipinong Mechanical Engineers, ay ang nag-iisang PRC Accredited Professional Organization of Mechanical Engineer.