Philippine Softball Team – hindi pina-score ang US Team sa nagpapatuloy na World Series

Sports – Hindi man lang naka-score ang Montana Team habang may 10 points naman ang Philippine Team na kinatawan ng asia-Pacific Region para sa Little League Seniors Division Softball World Series sa Estados Unidos.

Ito ang pinakamataas na score na nakuha ng Negros Occidental Little League Seniors simula noong 1st game sa araw ng Miyerkules.

Ang Garden City Softball Little League mula Missoula, Montana, USA ay pinakaunang kalaban ng Pilipinas sa mga rehiyong kasapi ng pool B ng torneyo.


Dahil sa pinakahuling panalo, hawak na ngayon ng bansa ang 5-0 record at uusad sa iba pang matches hanggang makaabot sa championship round sa Lunes ng madaling-araw.

Facebook Comments