Nagsanib-pwersa ang mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Health (DOH) para bumuo ng task force na magmo-monitor ng sports activities na pinayagan ng gobyerno sa gitna ng community quarantine.
Ayon kay PSC National Training Director Marc Velasco, nakikipag-usap na ang ilang sports agency sa health sector kaugnay sa mga panuntunan kung paano nila mababantayan ang sports event.
Bahagi ng trabaho ng task force na isumite ang assessment report sa Inter-Agency Task Force (IATF) para matiyak na epektibo ang aktibidad at walang mahahawaan ng COVID-19.
Nabatid na ilang sports activities ang inaasahang papayagan matapos na makapagsumite ng mga protocols at proposals ang National Sports Associations sa Philippine Sports Institute.