Philippine sports officials, target ipadala ang nasa 15 na mga atleta sa Tokyo Olympics sa susunod na taon

Target ng sports officials ng Pilipinas na ipadala ang nasa 15 na mga atleta sa Tokyo Olympics sa Japan sa susunod na taon.

Ayon kay Mariano “Nonong” Araneta Jr., Chef De Mission ng summer games ng bansa, ang mga naturang bilang ng mga atleta na ipapadala ay “ideal” pa lamang.

Aniya, kabilang sa 15 sports na lalahok ay ang rowing, canoe-kayak, archery, fencing, athletics, golf, karate, judo, triathlon, boxing, weightlifting at skateboarding.


Dagdag pa ni Araneta, patuloy nilang isinasagawa ang pakikipag-usap sa iba’t ibang mga sports federation para makapagpasa ang mga ito ng training guidelines sa National Task Force (NTF) against COVID-19.

Sinabi pa ni Araneta, umaasa ang national officials na sa 2021 ay matutuloy na ang Olympic qualifiers.

Nais din aniya makapaghanda pa ang mga atleta sa kanilang laban sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon, apat na Pinoy athletes ang kwalipikado sa Olimpiya na sina Eumir Marcial at Irish Magno para sa boxing, Carlos Yulo ng gymnastics at pole-vaulter na si EJ Obiena.

Habang ang mga atleta pa na inaasahang makakapasok ay sina Hidilyn Diaz ng weightlifting, judoka na sina Kiyomi Watanabe, Kyla Richardson at Willie Morrison, cyclists na sina Ariana Dormitorio at Daniel Caluag at ang boxer na si Nesthy Petecio.

Facebook Comments