Philippine team, handa na sa laban nito kontra sa Thailand sa nagpapatuloy na AVC Senior Women’s Volleyball Championship

Sports – Handa na ang Philippine team sa laban nito mamaya kontra Thailand sa nagpapatuloy na AVC Asian Senior Women’s Volleyball Championship.

Kahapon nang pahiyain ng Pilipinas ang koponan ng Vietnam sa iskor na 3-1.

Nanguna sa panalo ng team sina Alyssa Valdez na nakagawa ng 20 points, Jaja Santiago na may 19 points at 11 points naman kay Aby Maraño.


Gaganapin naman ang laban ng Pilipinas at Thailand mamayang alas 5:30 ng hapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Facebook Comments