Philippine team, naghahanda na sa FIBA 3×3 world cup, PBA veteran na si Jr. Quiñahan, kasama sa line-up

Manila, Philippines – Naghahanda na ang Philippine team na sasabak sa FIBA 3×3 world cup 2017 na gaganapin sa Nantes, France.

Nagsimula ng mag-practice ang mga players na sina kobe Paras, Jeron Teng, Kiefer Ravena at Jr. Quiñahan na pumalit sa dating FEU player na si Raymar Jose.

Ayon kay Coach Eric Altamirano, bagama’t mga bata pa kung maituturing, sapat naman daw ang kakahayan nila sa nasabing tournament lalo’t malaking bagay na kasama nila ang PBA veteran na si Quiñahan.


Excited naman sin Teng, Ravena at Paras na muling irepresenta ang Pilipinas lalo na’t malalaki at malalakas ang kanilang makakalaban sa FIBA 3×3 na magsisimula sa June 17- 21.

Makakasama ng Pilipinas sa pool-b ang dating European champions na Slovenia at Romania, pati na rin ang host sa kumpetisyon na France at El Salvador.

DZXL558

Facebook Comments