Dagupan City – Dumadaing ang mga magsasaka ng tabako ngayon sa patuloy na pagbaba ng produksyon at income nila dahil umano sa sunod sunod na pagpapataw ng mataas na buwis sa kanila ng gobyerno.
Ayon sa president ng Philippine Tobacco Growers Association (PTGA) sa si Saturnino Destor simula noong 2013 kasabay ng pagtaas ng buwis sa tabako bumaba sa 20 milyong kilo ang produksyon ng tabako mula sa daang milyon. Tinuturong dahilan nito ay ang mataas na buwis na nagpababa ng demand sa tabako.
Nilinaw ni Destor na hindi sila against sa magandang layunin ng gobyerno pagdating sa pagpapabuti ng kalusugan. Ang sakanila lamang ay magkaroon ng malinaw at kongkretong plano ang gobyerno para sa mga tobacco farmers ng bansa. Hindi raw kasi umano nila ramdam ang sinasabing benepisyong ng gobyerno na mula sa excise tax.
Ayon kay Destor hindi nila maramdaman ang sinasabing nakalaan na pondo sa nasabing excise tax na nakalaan sa kanila. Kung mayroon man daw ay ambon lamang ito at hindi talaga nakakakatulong. Hiniling nito na imbestigahan ng kongreso ang mga naunang pondo na dapat napunta sa mga magsasaka bago magpataw ng panibago at tignan umano kung nakinabang talaga sila dito.
Sa ngayon nanawagan sila sa mga mambabatas sa isinasagawang pagdinig sa kongreso na i-konsedera ang kanilang sitwasyon bilang mga magsasaka bago magpataw ng panibagong excise tax. Dagdag pa nito handa silang tignan ang ibang pwedeng pagkakitaan bukod sa pagtatabako basta ayudahan sila ng gobyerno.