Manila, Philippines – Nagpasaklolo na ang grupong Philippine Transport Network Organization sa LTFRB upang mamagitan na sa problema sapagitan ng Transport Network Company at Transport Network Vehicles System.
Ayon kay PTNO President Ivan Kloud ang kanilang grupo ay kinabibilangan ng mga operator at driver na mayroong mga miyembro na mahigit 21 libo sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Layon umano ng kanilang pagtungo sa LTFRB para humingi ng tulong kay LTFRB Chairman Martin Delgra para pulungin ang kanilang Technical Working Group at bumalangkas ng mga solusyon sa mga problema na kanilang idinudulog sa ahensiya gaya ng dapat umano sagutin ng TNC sakalinng mahuli ang driver ng Uber at Grab dahil napakalaking multa ang ipinapataw ng LTFRB.
Umaapela ang PTNO sa LTFRB at pinakiusapan na ayusin na ang problema ng Uber, Grab at TNC bago ang July 26 na deadline ng LTFRB na manghuhuli sa mga kolurom na Uber at Grab.
Bukod sa PTNO dumagsa rin sa LTFRB ang mga operator ng Uber at Grab at ipinarating din sa ahensiya ang kanilang mga ibat ibang hinaing hinggil sa deadline na LTFRB na July 26 na manghuhuli sa mga kolurom na Uber at Grab na mahigpit ipatutupad ng ahensiya.