Philippine Transportation Network Organization, planong magsampa ng kaso sa LTFRB laban sa Grab at Uber

Manila, Philippines – Plano ng grupong Philippine Transport Network Organization (PTNO) na magsasampa ng kaso sa LTFRB laban sa Uber at Grab upang sagutin ng Transport Network Vehicles Services ang problema ng mga driver sakaling mahuli ng LTFRB Enforcers pati na ang pag-iimpound ng kanilang mga sasakyan.

Ayon kay PTNO President Ivan Kloud ang kanilang grupo ay kinabibilangan ng mga operator at driver ng TNVS na mayroong mga miyembro na mahigit 21 libo sa Metro Manila, Metro Cebu, Davao at mga karatig lalawigan.

Paliwanag ni Kloud na nagpasaklolo na ang kanilang grupo sa LTFRB para hilingin na pulungin ang kanilang Technical Working Group at pag-usapan ang mga solusyon sa mga problema na kanilang idinudulog sa ahensiya gaya ng dapat umano sagutin ng TNC sakaling mahuli ang driver ng Uber at Grab dahil napakalaking multa umano ang ipinapataw ng LTFRB.


Giit ng PTNO dapat bumalangkas agad ang LTFRB ng mga panuntunan para ayusin ang problema ng Uber, Grab at TNC bago ang July 26 na deadline ng LTFRB na manghuhuli sa mga kolurom na Uber at Grab.

Dagdag pa ni Kloud na mayroon nang moratorium ang LTFRB pero ang ipinagtataka ng PTNO kung bakit nagbigay pa sila ng application sa mga driver

Dapat sagutin ng Uber at Grab ang multa pati na ang multa ng tatlong buwan ng pag-iimpound ng LTFRB sa kanilang mga sasakyan.

Facebook Comments