Nabigo sina 2019 Southeast Asian Games gold medalist Kim Mangrobang, Fil-Spaniard Fer Casares at Kim Remolino na makakuha ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Nagtapos si Mangrobang sa No. 11 sa women’s class sa 2021 Asian Triathlon Championships sa Hatsukaichi, Japan.
Nalaglag naman si Casares sa No. 13 sa men’s division habang hindi natapos ni Remolino ang karera matapos maiwanan sa bike leg.
Sa kabila nito, maaari pang makakuha ng Olympic spot sina Mangrobang, Casares at Remolino sa pagkolekta ng ranking points sa mga sasalihan nilang karera sa mga susunod na linggo.
Si Mangrobang ay lalahok sa apat hanggang limang torneo sa Northern Africa at Southern Europe habang sasabak naman sina Casares at Remolino sa dalawang kompetisyon sa Japan.