Pormal nang nagtapos ang Philippine at US 38th Balikatan Exercises 2023.
Ayon kay Maj. Gen. Marvin Licudine, direktor ng Balikatan Exercise, nakatulong ang serye ng mga drill upang mapalakas ang security cooperation at interoperability ng Pilipinas at Estados Unidos bilang magkaalyadong bansa.
Malaki ang pasasalamat ni Gen. Licudine, sapagkat sa pamamagitan ng nasabing exercise ay napalakas ang ating capability, domain awareness, maritime and territorial defense gayundin humanitarian assistance and disaster response.
Aniya, nagamit ng tropa ng militar ang mga makabagong kagamitan na binili sa pamamagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program na siyang daan upang mas mapagsilbihan ng maayos ang mamamayan at ang buong bansa.
Nagpapasalamat din ito sa US forces sa mga kasanayang ibinahagi sa kanila maging sa pagkakaibigan na nabuo sa kasagsagang ng exercise.
Umaasa aniya siya na sa susunod na Balikatan Exercise 2024 ay mas marami pang kaalaman, drills at skills ang matutunan ng magkaalyadong bansa.
Ang 38th Balikatan Exercise 2023 ay umarangkada noong April 11 at pormal na nagtapos ngayong araw, April 28 kung saan nilahukan ito ng mahigit 17,000 mga sundalo mula sa Pilipinas at Estados Unidos.