Philippine variant, hindi pa rin itinuturing na variant of concern ng DOH

Hindi pa rin itinuturing ng Department of Health (DOH) na variant of concern ang P.3 o ang tinatawag na Philippine variant.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nangangahulugan ito na wala pang mga ebidensya na nakita na may epekto ito sa galaw ng virus.

Ito ay bagama’t 123 na ang kaso ng P.3 variant sa bansa.


Sa pinakahuling sequencing ng Philippine Genome Center, umabot na sa 392 ang UK variant cases sa bansa, habang 344 naman ang South African variant at 2 ang Brazilian variant.

Sa kabila nito, nanindigan naman ang DOH na wala pang local transmission ng COVID variants sa bansa.

Facebook Comments