PHILIPPINE VETERANS WEEK | Libreng sakay sa LRT line 2 para sa mga Filipino veterans, nagsimula na

Manila, Philippines – Nagsimula nang magbigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit o LRT line 2 sa mga Filipino veterans.

Ito ay bilang bahagi ng paggunita ng bansa sa Philippine Veterans Week at Araw ng Kagitingan sa April 9.

Makakakuha ng unlimited free rides ang mga beterano mula April 7 hanggang 11.
kasama rin sa mga makakatanggap ng free rides ang isang personal companion ng bawat veteran passenger.


Para ma-avail ang libreng sakay, kailangang lang na ipresenta ng mga ito ang kanilang ID mula sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO).

Facebook Comments