Philippine Volleyball Team Alas Pilipinas, sumakay sa MRT-3 para sa paglulunsad ng International Federation of Volleyball-Themed Train

Ibinida ngayon ng Philippine National Team Alas Pilipinas ang International Federation of Volleyball-Themed Wrap sa mga tren ng MRT-3.

Bahagi pa rin ito ng nalalapit na Volleyball Men’s World Championship at ang Pilipinas ang magiging host country ngayong taon.

Layon ng proyektong ito na hikayatin ang publiko na suportahan ang mga atleta sa nalalapit na Volleyball Men’s World Championship.

Ang aktibidad ay bilang pakikipagtulungan ng MRT-3 sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at pagpapakita ng suporta sa mga atletang Pinoy.

Facebook Comments