Philippine Women’s Team, bigo kontra sa Kazakhstan sa 19th AVC Asian Senior Women’s Volleyball Championship

53

Sports – Hindi umubra ang Philippine Women’s Team kontra sa Kazakhstan sa 19th AVC Asian Senior Women’s Volleyball Championship.

Nagtapos ang laban sa iskor na 25-23, 25-20, 25-19 sa Alonte Sports Arena sa Biñan.

Humataw si 5-foot-10 Ace Hitter Katerina Tatko na may 20 points para sa Kazakhstan.

Bagaman, laglag sa 1-1 ang nationals team pasok pa rin sila sa quarterfinals kasama ang Kazakhstan.

Makakalaban ng Filipinas sa quarters classification ang unbeaten Korea habang makakaharap ng Kazakhstan ang Vietnam.

Facebook Comments