Isinasapinal na ng Pilipinas at United Nations ang UN Joint Program on Human Rights (UNJP).
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, pinagtibay ng Philippine government at UN ang pagtutulungan nito sa pag-iimbestiga sa human rights violation sa bansa sa pamamagitan ng paglulunsad ng tatlong taong program.
Aniya, ang UNJP ay magpapatupad ng human rights-based approaches laban sa terorismo at bubuo ng lugar para maibahagi ang human rights concerns gamit ang angkop na domestic mechanisms.
Sabi pa ni Guevarra, makapagpapalakas din ito ng imbestigasyon at paghahain ng kaso sa human rights violations at makapagbibigay ng angkop na paggamot at pagkalinga sa taong gumagamit ng ilegal na droga.
Ang UNJP document ay nabuo sa pamamagitan ng mga malalimang konsultasyon sa pagitan ng Maynila at participating UN agencies, nagkaroon din ng partisipasyon ang Commission on Human Rights (CHR) at iba pang civil society groups sa proseso.