Philippines-Australia Army to Army Exercise, pormal nang sinimulan sa Isabela

Pormal nang sinimulan kahapon ang Philippines-Australia Army to Army Exercise sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, at Isabela.

Ayon sa panayam kay Philippine Army Public Affairs Office Chief Col. Louie Dema-ala, ang pagsasanay ay may layuning mapalawak ang kakayahan ng dalawang hanay sa larangan ng Reconnaissance, Mortar, Drone Operations, Logistics, Signal Operations, Jungle at Urban Warfare, Tactical Combat Casualty Care, at Breaching Operations.

Bahagi rin ng pagsasanay ang mga karanasan ng dalawang hukbo sa pakikipaglaban sa mga teroristang grupo.


Humigit-kumulang 100 na sundalo naman mula sa 86th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division ang magsasanay kasama ng 50 sundalo mula sa Australian Army.

Inaasahang tatagal ang Bilateral Exercise hanggang ika-21 ng Hunyo 2024.

Facebook Comments