Inaasahang maisasapinal na sa 2027 ang negosasyon para sa Philippines-European Union free trade agreement.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang free trade agreement ay isang hakbang sa pagpapalakas ng kalakalan ng Pilipinas at European Union, at simbolo ng kasaganahan at kolaborasyon sa hinaharap.
Umaasa aniya siya na sa susunod na tatlong taon ay mabubuo na ang komprehensibong kasunduan.
Ang free trade agreement ay maglalaman ng mga probisyon para sa digital trade at intellectual property rights.
Samantala, sinabi rin ng Pangulo na bukas ang bansa na tumanggap ng investments sa key sectors tulad ng renewable energy at electronics manufacturing, gayundin sa IT-BPM, agrikultura, at fishery processing.
Facebook Comments