Philippines-Japan Economic Agreement, pinarerepaso ng liderato ng Kamara

Hiniling ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na repasuhin ang Philippines-Japan Economic Agreement (PJEPA) upang mabawasan, kung hindi man tuluyang maaalis ang taripa na ipinapataw sa produktong agrikultural ng Pilipinas na ibinebenta sa Japan.

Ginawa ni Romuldez ang apela sa kanyang pakikipagpulong sa mga mambabatas ng Japan na bahagi ng Philippines-Japan Parliamentarians’ Friendship Society na pinangunahan ni Chairman Hiroshi Moriyama.

Sabi ni Romualdez, tinanggap ni Chairman Moriyama na isang dating agriculture minister ang kahilingan na repasuhin ang PJEPA.


Bunsod nito ay umaasa si Romualdez na mapagaganda termino ng mga produktong agrikultural ng Pilipinas tulad ng saging na malaking ang ibinaba sa inaangkat ng Japan.

Binanggit ni Romualdez na target din ng Pilipinas na makapag-export sa Japan ng isda at mga tropical fruits gaya ng pinya, avocado, mangga, durian, mangosteen, at okra.

Ayon kay Romualdez, bagama’t ang Pilipinas at Japan ay bahagi ng Regional Comprehensive Economic Partnership, ang PJEPA ay nakikita na mas epektibong plataporma upang tugunan ang mga isyung pangkalakalan.

Facebook Comments