Philippines-US Balikatan Exercise, hindi makakaapekto sa tensyon sa pagitan ng Pilipinas at ng China

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi makaaapekto o hindi lalala ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at ng China kasunod nang pagsisimula ng 38th Balikatan Exercise 2023.

Ayon kay MGen. Marvin Licudine, Exercise Director sa panig ng Pilipinas, taunan ang nasabing pagsasanay kung saan layon nitong mapaghusay ang interoperability ng Pilipinas at Estados Unidos bilang magkaalyadong bansa.

Sa panig naman ni MGen. Eric Austin, US Exercise Director magandang oportunidad ang balikatan exercise upang magbahagian ng expertise ang dalawang magkaalyadong bansa sa larangan ng maritime defense, coastal defense, maritime domain awareness at iba pa.


Isasagawa ang mga pagsasanay sa Northern at Central Luzon, Palawan at Antique.

Nabatid na lalahukan ito ng 12, 000 sundalong Amerikano, 5, 000 tauhan ng AFP, at 111 miyembro ng Australian Defense Force, kasama ang observers mula sa 11 bansa.

Tatagal ang Balikatan Exercise hanggang Abril 28.

Facebook Comments