Sisimulan na ngayong araw ang isang linggong pagdiwirang ng ika-22 Postharvest Loss Prevention Week at ang ika-43 aniversaryo ng PHilMech sa temang, “Mechanization and Postharvest Loss Prevention: Key to Farmers’ Competitiveness Amidst the Pandemic”.
Iba’t ibang aktibidad ang nakalatag simula ngayong araw sa kanilang isasagawang pagdiriwang. Kabilang dito ang Techno-talakayan on Agricultural Mechanization and Postharvest Loss Prevention, Postharvest Loss Assessment Summit-Workshop, at ang Employees Day na gaganapin sa araw ng Biyernes, May 28, 2021 kung saan, kikilalanin ng samahan ang mga natataning mangagawa ng taon.
Samantala, sa darating na Huwebes, May 27, 2021, ipagdiriwang ng PHilMech ang kanilang mismong ika-43 kaarawan. Si Secretary William Dar ang inaasahang magpapasinaya sa araw na ito.
Sa naturang pagdiriwang, ilalahad sa kalihim ang mga component ng RCEF Mechanization Program sa pamamagitan ng mga video presentation.
Para sa minu-minutong update, para sa live streaming ng kanilang buong pagdiriwang, bisitahin ang kanilang website na www.philmech.gov.ph.