Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Congressman Presley De Jesus, nakakalungkot at nakikiramay ito sa pamilya ng biktima.
Bagama’t naihain na aniya sa korte ang reklamo laban sa idinawit na pangalan kasama ang ISELCO-2 General Manager na si David Solomon Siquian ay maghihintay nalang umano ng magiging desisyon ang korte hinggil sa reklamo.
Makakaasa umano ang publiko na babantayan nila ang anumang imbestigasyon at tanging hiling na managot ang ilang tao na totoong may kinalaman sa insidente ng pagpatay kay Palce.
Matatandaan na binaril ang biktima sakay ng cooperative vehicle sa isang gasolinahan noong May, 25, 2022 ng hapon at papauwi na sa kanilang bahay sa Tumauini, Isabela ng mangyari ang pamamaril.
Samantala, nanawagan naman ng pagbibitiw ang grupong Isabela Consumer Watch, Inc laban sa mga Board of Directors ng nasabing electric cooperative.
Nagsilbi sa kooperatiba si Palce sa loob ng 35-taon.