Tagumpay ang paglulunsad ng locally developed cube satellites (cubesat) sa International Space Station o ISS kagabi alas-11:47, oras sa Pilipinas.
Ayon sa Philippine Space Agency o PhilSA, lulan ang Maya 5 at Maya 6 ng SpaceX Falcon 9 na bahagi ng ika-28 commercial re-supply ng SpaceX.
Pangunahing misyon ng mga ito na magbigay ng digital messages relay service sa amateur radio community.
Sa sandaling pakawalan na ito mula sa Space Stations, i-o-operate ang mga ito ng Philippine Universities Ground Archiving and Date Reception o PUGAD Station sa University of the Philippines -Diliman.
Sa kasalukuyan ay dine-develop na ang nanosatellite na Maya 7.
Paliwanag ng PhilSA, ang mga ganitong hakbang ang nagpapataas sa uri ng kakayahan ng mga Pilipino na magkaroon ng space technology know-how at hands-on experience sa satellite development.
Ang mga ito ay proyekto at pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST) at University of the Philippines-Electrical and Electronics Engineering Institute.