PHILSYS ID STEP 2 REGISTRANTS SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, PUMALO NA SA HIGIT 2.4-MILYON AYON SA PSA

Sa tuloy-tuloy na paghikayat ng Philippine Statistics Authority na magparehistro na sa PhilSys ID Registration, pumalo na sa mahigit dalawang milyong Pangasinense ang nakapag-parehistro na ayon sa ahensya.
Base sa pinakahuling datos ng PSA Pangasinan nitong June 30, 2023 ay nasa kabuuang 2,413,658 na ang nakapag-parehistro na sa Step 2 PhilSys ID Registration.
Ayon sa ahensya naabot ang nabanggit na bilang dahil sa isinasagawang kampanya ng ahensya na pagpunta sa mga paaralan o ang PhilSys School Registration Campaign kung saan malaki sa kanilang mga naitatala ang bilang ng mga estudyante.

Halos isang milyong mga Pangasinense o kabuuang 968,905 na rin ang nakatanggap na ng E-PhilID o ang pansamantalang kopya ng ID base sa pinakahuling datos ng ahensya nitong ika-30 ng Hulyo, 2023.
Tuloy-tuloy din na paalala ng ahensya sa publiko na kumuha at magsadya na sa mga tanggapan ng PSA upang makapag-parehistro na sa PhilSys ID Registration. |ifmnews
Facebook Comments