PhilSys registration sa Parañaque City, ipagpapatuloy ngayong araw

Ipagpapatuloy ngayong araw ang Philippine Identification System o PhilSys registration sa registration sites ng Philippine Statistic Authority (PSA) sa Parañaque City.

Magugunita na sinuspinde ang pagpaparehistro para sa Philippine ID system bilang pag-iingat nang kumalat ang Delta variant sa National Capital Region (NCR).

Sa abiso ng Parañaque Local Government Unit (LGU), maari nang magparehistro ang mga mayroong online schedule.


Kabilang sa mga registration site ay ang mga sumusunod:
– Ayala malls, Manila Bay 4th floor, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi
– SM Sucat, 3L building

– SM BF ground level, BDO Wing

– SM Bicutan Cinema 1 and 2 lobby 2nd level, SM Bicutan building B

Pinaalalahanan ng LGU ang mga magpaparehistro na panatilihin ang standard minimum health protocols.

Sa mga wala pang schedule, bisitahin lang ang philsys.gov.ph.

Facebook Comments