PHILVOLCS, ipinaliwanag kung ano ang phreatomagmatic eruption

Ipinaliwanag ng PHIVOLCS ang phreatomagmatic eruption na nangyari sa bulkang taal.

Kahapon ng hapon, nagbuga ang bulkan ng maitim na plume na may taas na isang kilometro mula sa crater.

Ayon kay PHIVOLCS Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Maria Antonia Bornas, ang phreatomagmatic eruption ay nangyayari kapag ang bagong magma ay nagkaroon ng interaction sa tubig.


Ang phreatomagmatic eruption ay iba sa phreatic eruption kung saan ang init mula sa magma ang nagkakaroon ng interaction sa tubig.

Sa phreatic eruption, walang interaction sa pagitan ng magma at tubig pero ang init mula sa magma ay nagreresulta ng steam emissions.

Babala ng PHIVOLCS, mas delikado ang phreatomagmatic eruption dahil ang mismong magma na ang may interaction sa tubig at magdudulot ito ng pyroclastic density currents at mga volcanic tsunami.

Facebook Comments