Naniniwala ang PHIVOLCS na hindi mauulit ang pagsabog ng Bulkang Taal na kagaya noong Enero 2020.
Ayon kay PHIVOLCS Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Maria Antonia Bornas, wala silang inaasahang scenario na kaparehas sa nangyari noong nakaraang taon.
Bago ang 2020 eruption, ang bulkang taal ay isang “closed system” kung saan naipon ang magma sa ilalim bulkan at nagkaroon ng pressure para sumabog ito nang malakas.
Ang kasalukuyang scenario ay iba na kung saan open system na ang bulkan.
Pero posibleng magbago ang sitwasyon kung ang magma ay umagos sa pamamagitan ng mga lumang fissure vents nito.
Facebook Comments