PHISGOC Chairperson, House Speaker Cayetano, tiniyak na magtutuos sila ng kanyang mga kritiko pagkatapos ng Sea Games

Tiniyak ni Philippine Sea Games Organizing Committee Chairperson, House Speaker Alan Peter Cayetano na magtutuos sila ng kanyang mga kritiko pagkatapos idaos sa bansa ang 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay Cayetano, walang nangyayaring anomalya at handa siyang sumailalim sa Lie Detector Test, kasama si Sen. Panfilo Lacson at Senate Minority Leader Franklin Drilon matapos kwestyunin ang mga ginastos ng gobyerno sa Sea Games.

May natanggap din siyang impormasyon na nagkukuntsabahan ang mga kalaban ng Administrasyon para siraan siya at ang Sea Games.


Sinabihan din siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy lang ang trabaho.

Hihilingin ni Cayetano na magkaroon ng Special Audit ang Commission on Audit sa Sea Games.

Facebook Comments