Handang humarap sa anumang imbestigasyon ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC kaugnay sa mga alegasyon ng korapsyon.
Ito ay kasabay ng pagho-host ng Pilipinas sa biennial meet.
Ayon kay PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara – natural lamang na mabahala ang gobyerno sa mga problema at aberya nangyayari.
Mahalaga ring maibalita ang mga magaganda at mga positibong nangyayari sa SEA Games.
Iginiit din ni Suraza na normal lamang na magkaroon ng mga kaunting problema sa pagho-host ng ganitong kalaking event.
Malaki ang iginastos ng gobyerno para rito at ginagawa nila ang kanilang makakaya para ihatid ang mga serbisyo.
Gayumpaman, maaaring talakayin ang mga problema sa SEA Games pagkatapos na ng sports event upang hindi ma-distract ang national athletes.