PHISGOC, tiniyak na may Contigency Plan para sa masamang panahon

Tiniyak ng Philippine Souteast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na may nakahanda itong Contigency Plan para sa posibleng masamang panahon kasabay ng pagdaraos ng Sea Games.

Nabatid na isang bagyo ang binabantayan na papasok sa Philippine Area of Responsibility na tatawaging ‘tisoy’ na inaasahang tatama sa Luzon.

Ayon kay PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara, partikular na tututukan ang mga Sports na isasagawa sa open area gaya ng Football, Cycling at Track and Field.


Posibleng ipagpaliban ang ilang laro sa ibang araw kung talagang masama ang panahon.

Kung ambon lamang ay pwedeng ituloy ang laro subalit hindi na ito bubuksan sa mga manonood.

Facebook Comments