Phivolcs, aminadong ngayon lang nadiskubre ang nakatagong fault sa Cotabato

Aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ngayon lang nila nadiskubre ang nakatagong fault sa Cotabato.

Ayon kay Ishmael Narag, supervising science research specialist ng Phivolcs – hindi napansin noon ang nasabing fault line dahil hindi ito nagpakita ng palatandaan.

Dahil sa dami ng bulkan sa Cotabato, natatakpan aniya ng mga deposito nito ang mga palatandaan ng mga fault line.

Partikular na aniya rito ang proseso ng pagbitak na naglilikha ng lindol at umaabot sa ibabaw ng lupa.

Facebook Comments