Gagamit ng satellite data at imagery ang PHIVOLCS mula sa kanilang partner international organizations.
Ayon kay PHIVOLCS Volcano Monitoring Chief Ma. Antonia Bornas – nagpapatulong na sila sa Unites States Geological Survey (USGS) at National Aeronautics and Space Administration (NASA) para kumuha ng karagdagang datos mula sa kanilang satellite platforms.
Pwedeng aniyang gamitin ang mga datos na makukuha mula sa satellites para kalkulahin ang volume ng magma na nasa bulkan.
Sa ngayon kasi, nananahimik ito at mas mahina ang mga pagputok nito kumpara sa mga nagdaang araw.
Gayunman, nilinaw ni Bornas na posibleng mapanlinlang na pananahimik lang ang nangyayari sa bulkan at posible pa rin ang malakas na pagsabog.
Sa kabila nito, aalamin pa rin ng PHIVOLCS kung temporary lang ang mabagal na aktibidad ng bulkan sa pamamagitan ng pagkuha ng kumpletong datos.