Hindi inaalis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na posibleng maulit ang phreatomagmatic eruption sa Bulkang Taal na gaya noong nakaraang linggo.
Kahapon, nakapagtala ang PHIVOLCS ng mataas na emission ng sulfur dioxide gas na may average na 22,628 tonnes per day.
Nakapagtala rin ng 26 na matitibay pero mababaw na volcanic earthquakes sa silangang bahagi ng Volcano Island.
Ang Bulkang Taal ay nananatiling nasa Alert Level 3, kung saan nasa high risk areas ang Batangas partikular sa mga barangay ng Buso-Buso, Gulod, Bugaan East sa bayan ng Laurel.
Facebook Comments