PHIVOLCS, inaalam kung iisang fault ang nagdulot ng dalawang malakas na lindol sa Mindanao ngayong araw

Inaalam ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kung galing sa iisang fault ang dalawang nangyaring lindol sa Tulunan, North Cotabato ngayong buwan.

Ayon kay PHIVOLCS Seismology Section OIC Ishmael Narag, halos magkatabi lamang ang epicenter ng mga lindol at kumpul-kumpol din sa iisang lugar ang mga aftershocks.

Kaya malakas ang mga naramdamang pagyanig dahil sa lupa ito tumama at mababaw.


Una nang sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na posibleng masundan pa ang mga lindol na tumama nitong nakalipas na araw.

Facebook Comments